
Ang pelikula ay tungkol sa isang langgam na kakaiba. Ang pangalan niya ay "Flik". Si Flik ay naghahanap ng mga "warrior bugs" para ipagtanggol ang kanyang kaharian laban sa mga masasamang tipaklong. Sa kanayang paghahanap, pawang mga "circus bugs" ang kanayang nakalap. Ang mga langgam ay nakatira sa isla na napapaligiran ng tuyong ilog. Sila ay nangongolekta ng pagkain para sa mga tipaklong at sa sarili nila bago mag tag-ulan. Nawala ni Flik ang mga pagkain na naipon nila kaya kailangan ipagtanggol ng mga langgam ang sarili nila laban sa mga nagagalit na tipaklong. Sa huli, kinumbinsi ni Flik ang lahat ng langgam na maki-anib sa mga "circus bugs" at taluhin ang mga tipaklong.
Pagkatapos mapanood ang pelikula, nakita ko ang Marxismo sa pag-ikot ng istorya. Nakita ko na ang mga tipaklong ang lumalarawan sa mas nakatataas na antas ng buhay. Ang mga tipaklong ang kumakataunan ng mayayaman, mga burgis. Sa kabilang dako, ang mga langgam ang lumalarawan ng mga "working class". Sila ang kumakatawan ng mga mahirap. Sila ang "proletariat".
Makikita natin sa pelikula ang pagkakaiba ng dalawang antas ng buhay. Kitang-kita ang "social conflict". Ang mga langgam kalaban ang tipaklong dahil nananakot ang mga tipaklong na patayin sila kung hindi sila bibigyan ng pagkain ng mga langgam. Malinaw na hindi ito pantay para sa mga langgam. Nalalamangan sila ng mga tipaklong kaya nais nila na depensahan ang kanilang sarili. Kahit na nagkamali si Flik sa pagkawala ng pagkain para sa mga tipaklong, kailangan nilang ipagtanggol ang kanilang kaharian para hindi na sila aabusuhin ng mga tipaklong.

Bukod sa mga napahayag, ang pelikula ay may maraming mensae at tema. Isinisiwalat nito ang kahalagahan ng kaisahan at ipinapakita na makakamit ang tagumpay sa pamamagitan ng pagtutulungan. Ang maganda sa pelikulang ito ay sinasalamin ng mga sitwasyon at problema ng maraming bansa at mamamayan sa mundo. Sa pelikulang ito, makikita natin na ang pagkakaisa ay magdudulot ng tagumpay.
Sources ng mga imahe
1. http://www.filmclub.org/film/2705/a-bug-s-life
2. https://www.reddit.com/r/todayilearned/comments/3ktb22/til_the_first_stealth_technology_test_failed_they/
3. https://www.youtube.com/watch?v=k315hCiNMtM
Good day! Pwede po ba magtanong, kung pasok din po ba ang movie na 'to sa imahismo? Salamat po:)
ReplyDeleteMarxismo
ReplyDelete